Mayamang Ama, Tinuruan Ng Leksyon Ang Anak Sa Pamamagitan Ng Pagtira Kasama Ang Mahirap Na Pamilya Ng Isang Linggo
Loading...
Katulad na lamang kung paano dinisiplina ng mayamang ama ang kanyang anak. Si Dante ay isang binata na anak mayaman, lumaki sa luho at marangyang pamumuhay habang ang kanyang ama ay nagmula sa isang mahirap lang na pamilya.
Dahil sa dinanas na hirap, nagpursige ang ama ni Dante na makaahon sa kanilang pamumuhay, at dahil sa kanyang kasipagan ay nakamtan niya ang kanyang inaasam.
Ngayon, bilang isang anak, ninanamnam ni Dante ang marangyang buhay na bigay ng kanyang ama, may sariling sasakyan at masasarap na putahi sa hapag-kainan.
Dahil sa ganitong buhay namulat si Dante, pinlano ng ama ni Dante na maranasan niya ang mahirap ng buhay sa loob ng isang linggo.
Kinausap si Dante ng kaniyang ama na pansamantalang tutuloy siya sa isang mahirap na pamilya. At habang nakatira siya doon, ituturing siya ng pamilya na pangkaraniwang tao na kakain at magtatrabahong kasama nila.
Makalipas ang isang linggo, kinamusta si Dante ng kaniyang ama at kung may natutuhan siya sa isang linggong panunuluyan niya sa mahirap na pamilyang iyon.
Sinabi naman ni Dante ang mga natutuhan niya noon mg manirahan siya kasama nila. Ikinumpara niya ang mga bagay bagay na pinagkaiba ng kanilang pamilya.
Mayroon silang isang aso samantalang mayroon apat na aso ang mahirap na pamilya. Wala silang garden at swimming pool sa bahay pero mayroon naman silang ilog na patuloy ang pag-agos ng tubig.
Hindi mamahalin ang ilaw nila pero mayroon silang bituin na nagsisilbing tanglaw nila sa gabi. Wala man silang patio pero mayroon silang magandang kapaligiran. Hindi sila bumibili ng pagkian dahil may pananim naman sila.
Wala silang mataas na bakod bilang proteksyon pero mayroon silang mapagmalasakit at mabubuting kapitbahay na nakapaligid sa kanila.
Sa mga pinagsasabi ng anak, nagulat ang kanyang ama dahil sa isang linggong pag-iwan niya doon kay Dante ay marami itong realisasyon sa buhay.
Mas labis na kasiyahan at di inaasahan ng kanyang ama ng sinabi niya ito: ''Maraming salamat Papa, dahil ipinamalas mo sa akin kung gaano tayo kahirap."
Kaya ang pagiging mayaman ay hindi lang pera ang basehan, mas mahalaga pa rin na masaya ka sa kung ano mang mayroon ka, Maging makuntento ay wag maghangad ng sobra, at higit sa lahat manalig sa Panginoong Diyos dahil sa kanya nanggaling ang lahat ng kayamanan sa mundo.
Loading...