Magkumerang Tsismosa, Kulong Matapos Diumano Itsismis Ang Mga Kapitbahay.

Loading...
Nabasa ko sa isang post na mas delikado daw ang "Chismosavirus" kaysa coronavirus, dahil kaya nitong sirain ang Pamilya mo at pagkatao mo sa ibang tao.



Kaya sana ay may masampulan na at ng makulong ang mga chismosa sa bawat sulok ng bansa.

Kamakailan lang ay iniulat sa Philippine Star na may inaresto ang mga Pulis sa Cagayan, ito ay dalawang magkaibigan na nagpapakalat diumano ng mga tsismis tungkol rin sa kanilang mga kapitbahay ng wala namang katotohanan.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, ang dalawa ay nadakip sa kanilang lugar sa Barangay Maura, Aparri, Cagayan dahil marami na rin sa kanilang mga lalaking kapitbahay ang inirereklamo silang dalawa dahil sinisiraan umano sila ng sinasabing mga 'tsismosa' at kung ano ano ang sinasabi ng mga ito patungkol sa kanila.

YOU MAY READ THIS:

Base din sa ulat, nagalit ang mga lalaki na kanilang kapitbahay dahil sa pag gawa ng issue na ang mga ito ay babaero daw.

Itinanggi naman ng mga lalaki na walang katotohanan sa mga pinagkakalat ng dalawang babae, kaya minarapat na inireklamo ng mga ito sa pulis at ng mabigyan ng leksyon at matigil na sila sa kanilang masamang gawain.

Sa ngayon, ang dalawa ay nakakulong pa rin at naghihintay rin sa pagdinig ng kanilang kaso. Marami naman sa mga netizens ang nabahala dahil na rin sa ginagawang aksyon sa dalawang ito na sinasabing mga tsismosa.

Kung para sa iba, ito ay maaaring libangan lamang nila. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na maaari silang makulong at haharap sa kaso kung ito ay hindi papalampasin ng tao na ginagawan nila ng kwento.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Mga tsismusa dyan matakot n kayo. Ingatan ang mga pinagkakalat nyo"

"Malas naman ng magkumare na ito, di nila kasi alam na pwede sila makulong dahil sa kaka-chismis nila..."

"Kung wala namang sapat na ebidensya, manahimik na lang, mamaya di naman talaga totoo nasira pa ang buhay ng pinagchismisan nila"

Sana ay magsilbing aral ito sa lahat na mahilig makitsismis, ugaliin pong unahin ang paglinis sa buong bahay bago tumambay ng walang masabi ang inyong kapitbahay. Maging busy at productive para malayo sa ganitong uri ng libangan.
Loading...