Loading...
Ngunit, ayon nga sa kasabihan na lahat ng sobra ay hindi tama sa kalusugan. May masamang epekto pala ang tapioca pearls sa ting katawan.
Mula sa bansang China, isang batang lalaki ang dumaing ng matinding pananakit ng tiyan pagkatapos ng maubos ang milktea na binili. Sa sobrang sakit, ay dinala sya sa hospital at nagsagawa ng pagsusuri, doon nalaman na kailangan pala syang ma operahan.
Ayon sa mga Doktor sa Xinxiang Medical University, sa Henan Province sa Central China, dalawang bukol sa kaniyang bituka ang sinasabing dahilan ng matinding pananakit ng tiyan ng 13-anyos na binatilyo.
Sinabi rin ni Dr. Zhang Haiyang, ang Pediatric surgeon na sumuri rito na dahil sa mga bukol na ito, humarang ito sa daluyan ng dumi anupat nagdulot it ng matinding pananakit ng tiyan.
Tinatawag itong faecaliths o "stones made of faeces".
Nagsabi din ang bata ng kanyang ginawa bakit sya nagkaroon nito, Uminom daw sya ng milktea halos 2 beses sa isang linggo, at ang malala ay hindi nya nginunguya ng mabuti ang pearls at deretsong nilulunok kasama ng milktea.
Ayon sa Doktor, posibleng mga pearls ang nakita sa kanyang bituka, maaring nagdikit-dikit ang mga ito at naging matigas na bukol kaya nahirapan syang dumumi dahil nakabara ito.
Walang masama sa pag-inom ng milktea,pero wag lang sobra-sobra at nguyaing mabuti. Sana ay kapupulutan ito ng aral sa mga milktea lovers.
Loading...