Goodnews: Mga Nakarecover sa nCov nasa 243 na at Nadadagdagan pa.

Loading...
Halos buong mundo ay nagpapanic dahil sa mabilisang pagkalat ng novel coronavirus, naka lockdown na ang Hubei province, nag suspende na rin ng byaheng panghimpapawid ang ibang mga bansa bilang isang paraan upang mapigilan pa ang pagkalat nito.



Ngunit, sa kabila ng pangyayaring ito, dapat maging positibo din tayo dahil kung may namamatay man, mayroon  namang mga na ka recover sa virus.

Makikita sa larawan mismo ang isang pasyente na gumaling mula sa nasabing virus habang nag pipiktyur taking kasama ng mga medical staff sa harapan ng hospital ng Qingyuan,south China's Guangdong Province nitong January 30,2020.

Sa kabuo-an (Feb.1,2020) May umabot na sa 243 pasyente na infected ng novel coronavirus ang na discharged sa hospital pagkatapos maka recover nitong biyernes,ini-anunsyo ng Chinese Health Authority.

Nitong biyernes, namataan ang 72 katao na lumalakad palabas ng hospital pagkatapos e deklara na virus free na sila,ayon sa National Health Commission (NHC).

Masasabing nasa mabuting kalagayan na ang pasyente kung hindi na makikita pa ang mga sintomas sa katawan, ang temperatura ng katawan ay napanatiling normal sa loob ng tatlong araw at ang nucleic acid test ay negative result ng 2 beses ayon sa NHC.

Loading...