Isang Inang May Sakit, Natagpuan sa Ilalim ng Lababo matapos Iniwan ng mga Anak at Naglipat ng Bahay.

Loading...
Mula sa concerned netizen na si Kristine Vargas Tatad ang isang video na nagviral sa ngayon kung saan makikita doon ang kanilang matandang kapitbahay na may sakit o isa ng bed ridden na naliligo sa kanyang sariling ihi at dumi.



Napag alaman na dalawang araw na palang iniwan ng kanyang anak ang kanilang Ina na wala man lang makain sa abandonadong bahay. Hindi na makakilos ang matanda at nakahiga na lamang sa ilalim ng lababo.

Hindi maiwasang maiyak ng Nanay ni Kristine ng makita ang sitwasyon ng matanda na humihingi pa daw ng tulong sa kanila. Tinanong ng kanyang mama ang matandang nakahandusay sa ilalim ng lababo ay sinabing iniwan daw siya ng kanyang mga anak.



Ayon sa article ng KAMI, sinabi ng may-ari ng bahay na naglipat na raw umano ang mga anak ng paralisadong ina ngunit sa kasamaang palad, hindi nila isinama ang inang halos buto't balat na lang.

Mabuti na lamang at may nag-magandang loob pa rin kay nanay at nagawa syang sagipin ng kanilang kapit-bahay nang makita nila ito sa ilalim ng isang lababo.

Salamat na lang sa mabubuting kapitbahay ni nanay ng siya ring nag-upload ng video ng matanda sa social media.




Marami ang naantig sa kaawa-awang kalagayan ni nanay na masahol pa sa hayop ang pagtrato dito dahil iniwan na lang sa kabila ng ganoong kalagayan.*

Mabuti na lamang at natulungan nila Kristine ang matanda, ng makita nila ito ay agad nilang binalutan ng tela dahil tanging plywood at container ng tubig lamang ang naka paligid sa kanya.

Sabi ni Kristine ay dalawang araw na palang iniwan ang matanda doon na wala man lang pagkain at damit. Kaya sila na mismo ang naglinis sa matanda,pinakain at binihisan. Kung hindi nila siguro nakita ang matanda ay baka binawian na ito ng buhay dahil na rin sa gutom.




Humingi naman sila ng tulong sa brgy, upang malaman ang bagong address na nilipatan ng mga anak nito, natunton naman nila at ipina alam ang kalagayan ng matanda kaya agad din silang pumunta kasama ang asawa nito.


Katwiran ng mga anak ni nanay, hindi raw nila ito pababayaan at sa katunayan pa nga ay babalikan naman daw nila ang ina pero inuna lamang muna nila ang mga kagamitan.
Ngunit agad itong sinagot ng sumaklolo sa matanda na hindi dapat gamit ang inuna nilang sininop kundi ang dapat ay ang kanilang ina muna ang inintindi.*

Sa panibagong post ni Kristine, makikitang maayos na ang kalagayan ng matanda at kiniuha na rin siya ng kanyang mga anak.
Loading...