'Im Finally Free"-Jessy Mendiola, Matapang na Inaming MALAYA na at Muling Nakita ang Halaga ng kanyang Sarili.

Loading...
"Im Finally Free" yan na lamang ang mga katagang binitawan ng kilalang aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang instagram account, ng sumulat siya ukol sa kanyang realization patungkol sa self-worth at paghahanap ng kapayapaan sa piling ng Diyos.





Kilalang nobya itong si Jessy Mendiola ng sikat na tv host na si Luis "Lucky" Manzano, anak ng batikang aktres at mang-aawit na si Vilma Santos at aktor na si Edu Manzano.




Marami ang napa isip sa ginawang post ni Jessy, akala ng iba ay tinapos na nito ang kanyang relasyon kay Luis, pero ayon sa 27 yrs old na aktres, nakikita nya daw na ang kanyang buong buhay ay nasa isang pakikipaglaban sa kanyang sarili mismo, pero ngayon ay grateful daw siya at Finally Free of "Doubts, anger and insecurity".






Kanya ding ibinahagi na ang pagkakaroon ng bukas (open) at mapagkatiwalaang relasyon sa kanyang spiritual life ay mas lalong bumibigay sa kanya ng courage na maging isang mas mabuting tao simula ngayong taon.



Sa mahaba niyang instagram post, ang kapamilya aktres ay matapang na nagbahagi na "Im Finally Free".

"Im finally free of doubts, anger, and insecurity. My whole life i've been in a constant battle with myself. I've always doubted what i could do. I was afraid of change, i couldn't see my worth and how important i was in this life."

Sinabi din ni Jessy na sinubukan niyang e please ang mga tao, to the point na pati sarili niya ay kinalimutan na niyang mahalin.

"Every little comment or opinion of others about me affected me like I was defined by how people thought of me. I kept losing myself just because i wanted to please others".

Kaya ngayon labis ang saya ni Jessy ng nagawa niyang palayain ang kanyang sarili sa mga masamang bagay na lubusang naka apekto sa kanya.
Loading...