Iwasan ang Pagsampay Ng Mga Damit Sa Loob ng Bahay, Maaring Magdulot ng Masama sa Kalusugan.

Loading...
Mabuti na lamang na ang Pilipinas ay may dalawang uri ng Season lamang, tag-init at tag-ulan, medyu mas mahaba ang buwan ng tag-ulan sa Pilipinas, kadalasan ito ay nagsisimula sa Mayo at hanggang Disyembre.


Kaya napakahirap minsan magpatuyo ng dami kapag tag-ulan lalo na kung wala kang kasangkapan tulad ng dryer sa inyong bahay, kaya ginagawa ng iba, sinasampay na lamang nila sa loob ng bahay para matuyo.

Ngunit ang gawaing ito ay hindi pala kanais nais at may dulot na masamang epekto sa inyong pamamahay.



Narito ang mga rason kung bakit hindi ito ka nais-nais:

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng mga dalubhasa, napag-alaman na ang amg damit o ano pa mang uri ng mga nilalabhan kapag pinapatuyo sa loob ng bahay ay tumataas ang lebel ng moisture ng isang bahay sa 30 %.

Kaya kapag mayroong mataas na lebel ng moisture, mas mataas ang tsansang dumami ang fungi na kung tawagin ay "Aspergillus Fumigatus", isang mikrobyo na delikado dahil ito ay pinagmumulan ng impeksyon sa ating baga.

Kaya payo ng mga eksperto na wag ugaliing magpatuyo ng damit sa loob ng bahay o magsuot ng mga damit na hindi pa lubusang natutuyo, dahil pwede itong magdulot ng seryusong sakit sa ating katawan, lalo na sa may mahihinang immune system, taong hika-in dahil mas maapektuhan ang kanilang baga.



Mga Dapat Tandaan.

1. Importanting ibabad sa araw ang mga damit bago suoting para mamatay ang mga mikrobyo.
2. kung kinailangang magsampay sa loob ng bahay, siguraduhing malayo sa higaan. Mas nakakabuti kapag nasa garahe ang mga ito.
3. Pagplantsa ng damit ay isa ring mainam na solusyon para madaling matuyo at mamatay ang bakterya.

Loading...