Kawawang Food Rider, Pagkatapos Tumilapon ay Mas Inuna pa ang mga Customers kaysa Pumunta sa Ospital

Loading...
Mas naging malikhain at maparaan ang tao sa ngayon, dahil sa pagiging moderno marami na ring mga paraan na naimbento upang mas lalong mapadali ang trabaho ng bawat tao.




Ang pag usbong ng mga teknolohiya gaya ng mga gadgets ,pagkakaroon ng mga internet koneksyon ay may malaking kontribusyon sa pag unlad ng komunidad.

Noon pa man ay mayroon ng delivery service kapag umoorder ng mga pagkain sa isang restawrant, pero sa ngayong panahon, mas naiiba at medyu nag improve ang ganitong uri ng sistema dahil na rin sa tulong ng teknolohiya.



Naging familiar tayo sa mga online food delivery na kung saan mayroon itong app na ginagamit tulad ng Grab Food, Food Panda at iba pa. Dahil sa limitado ang paglabas ng mga tao sa ngayon, mas naging patok ang online delivery services.

Ngunit, lingid sa ating kaalaman na may mga hirap na dinaranas din ang mga delivery boy na ito, minsan ay naging bikt1ma pa sila ng mga online s c a m, yung iba ay tinitiis ang ulan at init ng araw para maibigay at ma satisfy ang mga kustomer nila.

Nag viral kamakailan ang larawan ng isang food delivery rider dahil sa gitna ng malakas na ulan sinusuong niya ito at di alintana para lang ma i abot sa kanyang kustomer ang inorder nito.

Naging ka awa-awa ang sitwasyon ng rider na ito na habang malakas ang ulan ay bumyahe pa rin , dahil sa madulas na daan dulot ng ulan, biglang tumilapon daw ang motorsiklo ng rider.





Ayon sa mga naka saksi, tinulungan naman ito ng mga nakakita sa insedente, ngunit nahabag ang mga citizen ng parang hindi niya pinansin ang nangyari sa kanya, kung na injured ba siya o hindi.

Dahil mas inuna pa niyang sagipin ang mga pagkaing nakalagay sa kaniyang food box kung ang mga ito ba ay maayos pa at hindi tumilapon kasama sa motor niya, kinuha niya rin ang kanyang nahulog na cellphone.

Kaya pahayag naman ng mga nakakita na sana intindihin rin ng mga customer kung minsan ay na di-delay ang mga rider dahil hindi basta basta ang kanilang pinagdadaanan mahatid lang ang mga gusto nilang pagkain.
Loading...