Loading...
Umabot na kay Raffy Tulfo ang reklamo ng babaeng ito dahil sa hindi na raw nya kaya ang ginagawa ng kanyang asawa.
Isang araw daw nagpaalam si Johnson Teope na bibili lang ng shake, ngunit ng bumalik ito wala na raw ang kanyang salawal, sabi ni Lorna.
Kaya nagdesisyon syang hiwalayan ito, ngunit di naman daw nya kaya na ibigay lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak kaya humihingi sya ng sustento kay Johnson, subalit wala namang naibigay.
Ayon sa kanya tatlong beses na niya itong pinakulong ngunit dahil sa pagmamakaawa at pakiiusap ng pamilya ng lalaki ay iniuurong niya ang pagsampa ng kaso laban dito.
At ng makaharap niya ang lalaki sa tulong ni Tulfo sa isang barangay sa Zamboanga Del Norte si Lorna Mangumpit ay tila ba nagbabagang apoy dahil sa hinanakit at galit nito sa lalaki dahil ayon sa kanya naalala niya ang lahat ng kawalang hiyaan at matinding pagdrusa noong magksama pa sila ni Teope sa iisang bubong ng bahay.
See Also:
Ayon pa kay Lorna Mangumpit ay sobrang napaka babaero itong si Teope.Noong sila ay nagsasama maraming nagsasabi at nakakakita na madalas may kasama na ibang babae itong si Teope at wala din daw itong ginawa kundi maglasing at pag uwe ng bahay ay siya pa ang papagalitan at bubugbugin kapag wala siyang maibigay na pagkain.
Aniya pa kay Lorna minsan ay sapilitan pang kinukuha ang kaniyang pera at aalis ang lalaki at pagbalik ay sasaktan siya dahil sa kalasingan nito.
Inaskusahan ni Lorna Mangumpit si Teope ng pananakit.Noong una ay itinanggi ito ni Teope ngunit dahil siguro ito ay nakonsensya ay inamin niya ang kanyang ginawa dati kay Lorna at siya ay lumuhod at humingi ng tawad sa babae.
Sa huli ay naawa naman ang babae at hindi na itutuloy ang demanda ngunit nangako si Teope na siya ay susustento kay Lorna ng anim na libong piso kada buwan.Lumagda si Teope ng kasunduan sa babae sa harap ng kinauukulan at kapag hindi niya ito natugunan siya ay mananagot sa batas.
Loading...