Loading...
Talagang hindi pa tapos ang pananalasa ng covid-19, dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga infected person sa buong mundo, ang Pilipinas ay kasalukuyang may 501 na bilang ng infected sa covid-19 at ang Italy ay patuloy pa rin sa pagtala ng mga nangamatay na nasa 600 o higit pa kada araw.
Wala pang gamot ang pwedeng e laban sa virus na ito kundi ang pakiki-isa ng bawat miyembro ng sambayanan upang lubusang mawala ang virus.
Isa sa nakitang solusyon ng ating pamahalaan ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine at social distancing para walang kapitang ang virus at tuluyan itong mawala.
Ngunit sa katigasan ng ulo ng iba, at sa pagsasawalang bahala sa ginagawa ng Pamahalaan kaya patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng covid sa bansang Pilipinas at iba pa.
Isa ang bansang Italy sa naitalang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na umabot na sa 47,021.
Kaya naman marami na ring mga residente sa Italy ang nananawagan sa buong mundo na makinig sa mga aksyon na ginagawa ng gobyerno nang sa gayon ay hindi sila matulad sa nangyayari sa kanila ngayon.
Isa na nga dito ang netizen na si Loraine Royes. Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi niya ang kasalukuyan na nangyayari ngayon sa Italy - Milan, kung saan siya nakatira.
Ayon kay Loraine, kasalukuyan naka-quarantine lahat ng residente ngayon sa Italy. Maging ang mga kumpanya, establisyemento, at mga pamilihan ay nakasara na rin. Hinuhuli na din sa kanila ng mga awtoridad ang mga taong nakikita pa rin sa lansangan sa gitna ng quarantine na ipinatupad sa kanila.
Kwento pa ni Loraine, nalulungkot at natatakot din sila sa nangyayari ngayon sa kanilang bansa dahil sa patuloy pa rin na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa at naghihintay na lamang kung kailan pa matatapos ang krisis na kinakaharap nila ngayon.
Saad pa niya, noong una daw, naging masaya at pinapatuloy pa rin nila kung ano ang buhay na kinagisnan nila sa Italy kung saan madalas pa rin sila mag-party at magpunta sa mga matataong lugar kahit pa man nasa kalagitnaan na noon ang banta ng COVID-19. At ngayon na nangyayari na ito sa kanilang bansa, ngayon pa lamang sila nagsisisi sa kanilang mga naging kilos at hindi pag-iingat.
Kaya naman, hiniling niya sa lahat na huwag balewalain ang COVID-19 at makinig na lamang sa mga pinag-uutos ngayon ng gobyerno sa iba't ibang panig ng mundo. Kung maaari din daw ay protektahan din natin ang ating mga mahal sa buhay, pamilya, at maging ang ating mga lolo at lola, lalo pa at mas delikado para sa kanila ang COVID-19.
Saad pa ni Loraine, ayaw niyang matulad ang iba pang bansa sa Italy ngayon kung saan halos daan daan ang namamatay kada araw dahil na rin sa kakulangan nila ng pasilidad para sa dami ng bilang ng mayroong COVID-19 sa kanilang bansa.
Hanggang maari din daw ay sumunod na lamang sa quarantine na ipinapatupad at sa social distancing.
Hinikayat niya rin ang publiko na uminom ng vitamin C at kumain ng mga gulay at prutas na makakatulong para magpalakas ng ating immune system para malabanan nito ang naturang virus. Hiling lamang din niya ay ang ingatan ng lahat ang kanilang mga kalusugan, lalo na sa ngayon.
Di natin alam kung sino ang carrier ng naturang virus kaya mas mainam na manatili sa bawat tahanan.
Loading...