Kasambahay Nakatagpo ng Limpak-limpak na Pera, Duda niya isa itong”Honesty Test” sa kanya.

Loading...

Isa sa pinaka natatanging ugali na gustong gusto ng mga employer ay ang pagkakaroon ng matapat na tao sa kanyang kompanya man o tahanan. Kaya kadalasan ay may mga isinasagawang pagsubok ang ibang mga Amo para lubusang malaman ang inyong katapatan.



May tinatawag silang “Honesty Test” kung saan diyan masusubukan ang katapatan sa iyong trabaho at sa iyong Amo.

Kadalasan ito ay nangyayari sa mga employer abroad, dahil hindi sila gaanong mabilis magtiwala sa kanilang mga kasambahay o employee.

Gaya na lamang ng kwento ng isang OFW tungkol sa kanyang karanasan ng siya daw ay nakakaita ng limpak limpak na pera habang naglilinis ng buong bahay ng kanyang Amo.





Ayon sa kanya, inutusan di umano siya ng kanyang Amo na maglinis ng bahay noong nakaraang linggo, at sa kanyang paglilinis ay di niya inaasahang matagpuan ang bundle bundle na pera na naka singit sa isang sulok ng bahay.

Isang foreign currency money ang kanyang nakita at dahil sa dami nito malamang malaking halaga rin ang perang ito, ngunit kahit gaano man ka laki ang nasabing pera ay hindi sumagi sa isip ng helper na ito na kunin at itago.



Ibinahagi ng helper ang kanyang karanasan sa isang facebook post sa Pinoy OFW Group sa Malaysia, ayon sa kanya baka pain daw ito ng Amo at hindi siya nasisilaw sa ganyang pera dahil may trabaho at sahod naman ito, ang kanyang gagawin daw ay padaanan nalang ng basahan.

Ngunit advise naman ng ibang nakabasa ng kanyang post na sana daw ay kinuha nalang ito at ibinigay sa kanyang amo upang malaman nila na wala talaga siyang balak kunin ang pera. Dahil mahirap mabuo ang tiwala ng tao kapag ito ay nabasag na.

Loading...