Loading...
Isa sa pinaka sikat na pelikula noon ay ang Titanic, na umantig sa mga
manunuod dahil sa magandang estorya nito at aral na naibahagi sa mga manunuod.
Abril 15 taong 1912 ng may isang pangyayaring gumimbal sa maraming tao, ang
isang barkong dinesinyo na hindi umano lulubog, ay di inaasahang lumubog sa
karagatan ng Atlanta.
Napakalaki ng barko at napaka garboso ng mga pasilidad sa loob nito, ano nga
ba ang itsura ng totoong barkong lumubog sa karagatan ng Atlanta?
Ayon sa relatable.net:
Ang grandeng staircase ng First Class ay tanyag dahil sa kakaibang stilong
ginamit nito. Binubuo ito ng pinakintab na oak, pinalumang bakal at iba’t
ibang magagandang salamin. Ang kisame nito ay dinesenyo upang magmukhang
nasisikatan ng araw kahit anong oras. Ito ang binababaanan ng mga First class
papuntang sa kanilang kainan.
Ang Boat Deck ay ang pinakataas na deck. Isang lugar kung saan pwedeng
magrelaks ang mga taga first at second class, pwede kang umupo, lumakad lakad,
maglaro, o mag-isip isip at palipas ng oras.
Ang mga napabilang naman sa Third class ay matatagpuan sa Bridge Deck. Dito
rin matatagpuan ang mga inaangkat at iba pang kagamitan ng barko.
Ito rin yata ang unang barkong nagkaroon ng gym, swimming pool at turkish
baths na noong panahon ay di pa makikita sa ibang barko.
Ang mga napabilang naman sa First Class ay mayroong mga kwarto na eksklusibong
para lamang sa kanila kagaya ng: Dining saloon, Reception room, Restaurant,
Lounge, silid upang magbasa at magsulat, pampublikong panigarilyuhan, Veranda
Cafes at Palm courts.
Ang kwarto para sa mga taga-First Class ay 39 state rooms na binubuo ng
dalawang kwarto, dalawang kwartong bihisan at isang pribadong banyo. Ang bawat
isang kwarto ay iba’t iba ang stilo kagaya ng Louis XVI, Louis XV, Georgian at
Queen Anne.
Ang Second class deck ay may disenyong Louis XVI at may oak na panel na may
daido rails. Ang mga kwarto nila ay may 2-4 bangkero na nakadikit sa pader,
may pampublikong lababo at palikuran kung sakaling may masuka. May ilang
pampumblikong liguan ang Second class. Mayroon din silang silid-aklatan,
kainan, kwarto upang manigarilyo at grandiosong hagdanan.
Siksikan naman sa kanilang kwarto ang mga nasa third class dahil mas marami
ang mga napabilang dito, ngunit katulad ng ibang class may mga pribelehiyo din
sila, tulad ng lugar na pwedeng maka sigarilyo, kainan at bonggang hagdanan.
Talagang iniba naman ang disenyo ng deck ng mga Crew upang di sila magkita ng
mga pasahero na nasa unahan, gitna at likuran bahagi ng barko.
Loading...