Mister, Nanawagan sa Misis na dinala ang Anak at Sumama sa Textmate matapos makuha ang P5,000 Cash Aid.

Loading...
Mangiyak-ngiyak na nanawagan ang isang lalaki sa kanyang misis na sana ay bumalik na ito matapos na lumayas tangay ang kanilang dalawang taong gulang na anak at P5,000 financial assistance mula sa social amelioration program.



Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Rey Delos Santos, residente ng bayan ng Polomolok, South Cotabato, nagsusumamo siya sa kanyang asawa na si Amalia Peler na sana’y umuwi na siya sa kanila matapos na bigla na lamang lumayas limang araw na ang nakakalipas at sumama umano sa isang lalaki na kanyang ka-textmate.

Dinala ni Peler ang kanilang anak at tulong pinansyal na nakapangalan sa kanyang mister.

Apela naman ni Delos Santos sa kanyang misis na magpakita sa kanya upang mapag-usapan nila ang problema at maayos ang anumang gusot na kanilang kinakaharap.

Nanawagan din ito sa lalaking sinamahan ng kanyang misis na isauli na ang mag-ina nito.


 
Loading...