Huwag Itatapon Ang Pinaghugasan ng Bigas dahil may Nakakamanghang Gamit pa Ito.

Loading...
Sa bawat pagsaing natin,sinisigurado muna nating malinis ang bigas bago ito isaing, kaya hinuhugasan natin ito ng dalawa o tatlong beses para mawala ang anumang dumi, bukbok o minsan ay mga kemikals na nilalagay dito.




Sa ilang taon na nating pagsasaing, 3 beses sa isang araw ay hindi pa sigurado alam ng karamihan na ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay pwede pa palang pakinabangan at magamit dahil may mga lihim pala iting benepisyo.

Narito po at ating alamin:

1. Facial Cleanser, Panlinis ng Mukha

Nagtataglay ang pinaghugasan ng bigas ng mineral at bitamina para gawing malambot makinis at radiant looking ang balat. Kumuha lang ng cotton pad at basain ito ng pinaghugasan, i-massage sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.

2. Maibsan ang Pangangati ng balat/Eczema

Magsawsaw lamang ng malinis na tela at idampi ito sa makati na balat, gawin ng ilang minuto at patuyuin din.


3. Sunburn at Damaged skin

Maiiwasan ang inflammation at pamumula ng iyong balat, palamigin muna sa ref bago e-apply sa balat gamit ang cotton pad.

4.Shinny and Soft Hair

Mayaman sa amino acids ang pinaghugasan ng bigas kaya kapag binuhos mo ito sa iyong buhok ay tutulungan nitong pagandahin ang volume at tibay ng hairstrand, binabalanse din ang pH level sa ating anit, ito ay safe at walang halong kemikal.


Matapos magshampoo, ibuhos ang rice water sa inyong buhok at dahan-dahang imasahe sa anit, hayaan ng ilang minuto bago banlawan ng malinis na tubig.

Oh diba may marami pa palang gamit ang pinaghugasan ng bigas na tiyak ay epektibo dahil natural ito, ayon pa sa iba ay dinidilig din daw sa orchids, hinahalo sa pagkain ng baboy at pantubig pa sa sinigang na isda at hipon.

May iba paba kayong alam? pwede nyo pong ibahagi sa amin para malaman din ng iba. :)
Loading...