Loading...
Kaya marami ang infected dito dahil pwede itong mamuhay ng matagal sa mga bagay tulad ng steel, plastic, karton at iba pa.
Ayon sa bagong inilabas na resulta pag-aaral, ang COVID-19 ay nananatili sa ere ng 30 minuto hanggang tatlong oras (3 hours), dahil sa mabigat ito, ang naturang virus ay unti unting bumabagsak at maaaring dumapo naman sa ibabaw ng mga gamit gaya ng cardboards, stainless steel o mga plastic.
Halimbawa, nabubuhay ang COVID-19 sa loob ng dalawamput apat na oras (24 hours) sa cardboard.
Nananatili rin naman ang coronavirus na ito sa ibabaw ng mga stainless steel sa loob ng dalawang araw (2 days) samantalang tumatagal naman ito ng halos 3 araw (3 days) sa ibabaw mga plastic.
Kapag wala ng host na lilipatan ang virus na ito, unti-unti rin siyang mamamatay, kaya minabuti ng pamahalaan na huwag lumabas sa mga bahay para maiwasan ang pagdami pa ng infected sa virus.
Dapat din nating matutunan ang kahalagahan ng palagiang pagsasagawa ng disinfection sa mga bagay na laging hinahawakan ng kamay, kasama na diyan ang mga doorknobs, handrails, remote controls, ibabaw ng lamesa, gripo at gayundin ang flush ng inodoro na kadalasan ay kinakapitan ng mikrobyo.
At ngayon na nalaman na natin na napakahalaga na panatilihing malinis ng ating mga tahanan at magsagawa ng tamang paraan ng pagdi-disinfect upang tuluyan nang masugpo ang coronavirus na ito, gawin natin araw-araw para maging secure ang ating buong tahanan.
SOURCE: HOW TO CARE
Loading...