Isang Matanda na Hindi Nabigyan ng Relief Goods, Nanginginig sa Iyak.

Loading...
Kamakailan nag viral ang isang video ni tatang na itinapon ang isang bag ng relief goods dahil umanoy hindi ito kasya sa kanyang pamilya.



Habang itong si Nanay naman ay nanginginig sa iyak dahil hindi umano binigyan ng ayuda dahil wala syang stub na dala.

Malinaw na iminungkahi ni President Duterte na lahat ay bibigyan at hindi dapat hingan ng voters ID.

Ito ang viral post ngayon ng kababayan nating si Antonio Donato sa grupong Lockdown Diaries na talagang nagpainit ng ulo ng ating mga kababayan.

“Tumulo ang luha ng babaeng ito matapos malamang ang may mga stub lamang ang mabibigyan ng relief goods at sa tulong ng mga kapitbahay na nagpatunay na walang naghahanapbuhay sa pamilya napilitan syang bigyan ng relief goods, hindi lamang siya ang nakaranas ng ganito patunay na hindi masinop ang sistema ng pagbibigay ng ayuda sa Sapang Palay SJDM Bulacan” -Antonio Donato

Iba’t ibang opinyon ng mga tao patungkol sa issue na ito na di umano ay hindi binigyan ang isang matandang babae ng relief goods dahil hindi ito botante at senior na ito, humahagulgol at nanginginig ang matanda noong nalaman niya na hindi siya mabibigyan, ng video na na upload sa social media ay kaagad nag viral at talagang kinaawaan si nanay dahil sa nangyaring ito, galit ang naramdaman ng ilan nating mga kababayan.

Komento ng ilang netizen:

"Sana matulungan si nanay. Sobrang nakakaawa." "Marami na po gusto maghelp po sa kanya. Paano daw po sya mahahanap." 

"Sakit sa puso jusko nay kung nandyan po ako sayo na lang ang relief goods na matatanggap namin." "Kailangan pa talagang magmukhang kawawa bago mabigyan. 

Hirap na hirap silang ibigay ang tulong na hindi naman galing sa bulsa nila.

Sa ngayong krisis umiiral pa din ang tunay na ugali ng mga tiwaling opisyal sa gobyerno.

Click this link to view video.

Loading...