Loading...
Isang malaking tulong ang pagkakaroon ng gadget ngayon dahil sa mas mabilis na komunikasyon at access sa lahat ng bagay, pwedeng mag inquire online, magbayad ng online at kung anu-ano pa. Ngunit alam din natin na lahat ng sumosobra ay may masamang naidudulot sa ating katawan.
Kamakailan lang, isang ina mula sa palawan ang nagbahagi ng karanasan ng kanyang anak patungkol sa masamang dulot ng matagal na pag gamit ng “gadget”.
Bigla na lamang daw nanangangatal na parang bang sinasapian ng kung ano ang kanyang anak na si Shane Erich Baita. Lubos ang pag ka bahala ng ina dahil hindi nila malaman ang sanhi ng nangyayari sa kanilang anak. Ngunit matapos ang konsultasyon sa isang doctor, napagalaman na may “focal seizure” ang kanyang anak. Ito ay isang sakit na maaring mag tuloy sa ”epilepsy”.
See Also:
Ang utak ng tao ay naglalaman ng mga neuron, o mga selula ng utak, na gumagamit ng mga de-koryenteng signal upang makipag-usap sa bawat isa. Sa panahon na ang tao ay inaatake ng “seizure”, ang kanilang utak ay may hindi normal na paglabas o pag takbo ng koryente.
Maraming maaring maging dahilan ng “seizure” ngunit batay sa doktor na kanilang napuntahan, ang sobrang “exposure” o pag gamit ng “gadgets” ang naging dahilan nito.
Sinasabing ang mga “gadget” gaya ng “cellphone” ay nagbibigay ng mataas na radyasyon na nakakaapekto sa pag daloy ng kuryente sa utak. Na nagging dahilan din ng kawalan ng kontrol sa katawan ng batang si Shane Erich.
Batay sa pag aaral, ang mga tao ay maaaring makaranas ng mga pisikal na sintomas bago, habang, at pagkatapos ng sinasabing “seizure”. Maitatala din na ang “seizure” ay pansamantalang penomena lamang. Bagamat panandalian lamang ito, ang paulit ulit na pagranas ng “siezure” ay maaring maging sanhi ng “epilepsy”.
Ang epilepsy ay isang sakit na nagdudulot ng pangingisay ng tao dahil sa abnormal na pag daloy ng koryente mula sa utak papunta sa kuwerdas ng gulugod o “spinal chord”. Kapag ang daluyan ng koryente ay naantala, ang mga direksyon na ibinababa ng utak sa katawan ay naantala din. Ito ang dahilan ng pag ngisay ng tao tuwing inaatake ng “epilepsy.
Hindi tulad ng mga “generalized seizure”, ang mga “focal seizure” ay nagmula sa isang bahagi lamang ng utak. Ang “generalized seizure” ay nagmumula sa buong utak kaysa sa isang parte lamang ng utak. Gayunpaman, may ilang “focal seizure” na nagbabago at nagiging “generalized seizure” na nakakabahala dahil sa kakayahan nitong mag tuloy tuloy sa sakit na epilepsy.
See Also:
Sa ngayon, pinaiinom ng gamot si Shane Erich upang maiwasan ang pag lala ng kanyang karamdaman. Kaya naman lubos na pinag iingat ang bawat isa sa pag gamit ng “gadget”.
Iwasan ang pag tulog na katabi ang “gadget”, pag papagutom at sobrang puyat ng dahil lamang sa pag gamit nito. Marami mang benepisyo ang ating nakukuha sa mga modernong gamit na ito, kahit anong sobra ay may kaukulang kapalit na maaring hindi maganda sa ating kalusugan.
Loading...