Ai-Ai,Hindi Nakapagtimpi sa mga Netizens na Nag-aakusang Nag Ho-Hoard siya ng Alcohol at Sanitizer.

Loading...
Hindi na nakontrol pa ng Aktress na si Ai-Ai Delas Alas ang kanyang emosyon at uminit ang ulo nito sa akusasyong naghu-hoard siya matapos niyang i-post sa Instagram ang larawan ng mga karton ng alcohol at hand sanitizers na para raw sa kanyang mga kliyente.



May mga report na nagkakaubusan diumano ng alcohol sa bansa, lalo na sa Metro Manila, dahil sa pagpa-panic buying ng ilan nating mga kababayan mula nang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Capital Region sa community quarantine.

Nagsimula ang Metro Manila-wide community quarantine kahapon, March 15, at ito ay magtatapos sa April 14.

Ipinatupad ang nasabing panuntunan upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus na dala ng COVID-19.

Sa caption ng kanyang Instagram post, binuweltahan at minura ng Comedy Queen ang mga netizen na nag-aakusa sa kanya ng hoarding.

Mensahe ni Ai-Ai (published as is): “AI M ready [smiling face with sunglasses emoji] sa mga nag co comments na insensitive ako wala ba kayong positive na mai comment may ncov na o magbago na kayo

"kaya ako nag post kasi matagal ng orders yan pinapaalam ko lang na dumating na

“UMAYOS NGA KAYO AT LUMAYAS KAYO SA IG KO!!!!

“atsaka Wag nyo ko mumurahin INA NYO RIN NAGBEBENTA LANG AKO !!!!!

“(ATSAKA ENDORSER AKO NG RICH SKIN CARE SILA NAG BEBENTA NYAN GINAWA AKONG SELLER NG MAY ARI)”

IS AI-AI SELLING ALCOHOL, HAND SANITIZERS?
Komento ng isang netizen tungkol sa post na ito ni Ai-Ai (published as is): “Bakit bigla@kang nagtinda ng alcohol Aiai?

“Sana ang mga clients mo yung badly needed talaga nila like hospitals .kahon kahon yan ah ibig sabihin namakyaw ka din? Naisip ko lang.”



Sagot ni Ai-Ai (published as is): “kailngan ko bang i explain sa inyo sino client ko??? Yung iba simbahan yung iba tindahan.. o tapos???”

Ipinagtanggol naman si Ai-Ai ng kanyang anak na si Sophie delas Alas.

Sabi niya sa netizen: “since there are people who are hoarding alcohol to sell them for higher price, my mom wanted to help those who need it badly. Namakyaw agad, teh?”

Humingi naman ng dispensa ang netizen sa Kapuso comedienne:

“@msaiaidelasalas ok Aiai ! Sorry for my comment ! Nagulat lang ako kc nagkakaubusan ng alcohol tapos bigla ko nakita na may tinda ka .Wag ka ng ma stress .Sorry again ! God Bless (praying hands emoji) Bati na tayo !”

SOURCE: PEP.
Loading...