Tips, Paano Makakaipon Ng 1 Million.

Loading...
Sino nga ba naman ang hindi naghahangad na maging isang milyonaryo? Kapag mayaman ka marami kang kakilala, totoo naman di ba?



Lahat gusto magkaroon ng milyon pero ang tanong, kailan kaya ito mabubuo at ano ang dapat gawin upang makamit ito. Dapat mayroon tayong sinusunod na realistic timeframe, yung kayang gawin at abutin, kaya dapat magkaroon ng tinatawag na financial plan.

Creative active income

Ito ay ang kinikita natin sa ating pagtatrabaho,ito ang gagamitin nating pang invest,panggastos at pang ipon upang makapagsimula ng ating plano.

Kailangan mayroon tayong disiplina sa sarili at hardwork,sa kinikita nating active income,dapat maglaan tayo ng porsyento para sa ating savings halimbawa kung mayroon kang monthly income na 25,000 maglaan ka ng 20% para sa iyong savings,mayroon kang 5,000 kada buwan at aabutin ka ng 16 years para magkaroon ng isang milyon. oh mayroon ka ng isang milyon pero sa tagal na panahon.

kaya dapat mayroon tayong ibat ibang paraan para magkaroon ng 1 milyong ipon aside sa ating active income.

Huwag nating e- asa ang pagyaman sa swerte, dahil ito ay napag-aaralan, ito ay masusing pinagplanuhan at pinaghahandaan.

Increase Profit Margin

Ito ay ang gap ng kinikita sa ating ginagastos. So kung mayroon tayong sahod na 25,000 a month, dapat ay mas babaan natin ang ating gastos at e increase ang ating savings, O kailangan nating gumawa ng paraan para mapataas ang ating sahod, like mag aim ng promotion, mag apply sa may mas mataas na sahod.

Save and Invest.

Kung mayroon tayong naipon na mula sa ating active income, pwede natin itong e invest. Pwede kang mag umpisa ng Online Selling, dito mas maliit na kapital lamang ang dapat ilaan, kung mayroon kang internet connection, cellphone at kilalang supplier sa mga Shoppee at Lazada online.
Dapat maging masipag ka din at laging active sa pagreply sa iyong mga customer upang mabilis mong makuha ang tiwala nila sa iyo.

Kung mas may malaki kang sahod tulad ng 50,000 a month ka at mag save ka ng 20% , mas mapabilis ang pag ipon mo ng 1 milyon piso na nasa 8 taon lang.

Kaya kailangan po natin ang disiplina at maraming source of income, wag po natin e asa lahat sa ating income mula sa trabaho. Lahat naman po ay nagsimula sa walang-wala hanggang naka ipon at winork-out ang nasabing financial plan.

Pwede po ninyong basahin upang ito po ay inyong maging gabay:


Narito ang mag Tips sa Pagsisimula ng Maliit na Negosyo.

1. Alamin kung gaano kalaki ang iyong puhunan sa negosyo upang magkaroon ng ideya sa iyong pwedeng maging ROI o Return of Investment.

2. Maghanap ng posibleng negosyo na swak ang iyong puhunan. Tulad ng mga home made na ready to eat foods, hindi kailangan ng malaking halaga dito. Pwede rin ang pagtatayo ng online shop. Patok ang mga negosyong ito dahil mabenta sa mga estudyante o sa mga nagtatrabahong wala ng oras lumabas.

3. Humanap ng maganda at strategic na lugar sapagka’t mas mainam kung malapit sa paaralan o mga opisina o kahit saang lugar na madaming tao. Sa online naman mahalagang responsive ka sa mga nagtatanong sa iyong online accounts.

4. Hangga’t maari paikotin ang puhunan o benta. Huwag gamitin ang kinita sa sa mga bagay na di naman nakakadagdag sa iyong puhunan.

5. Huwag hayaan na maubusan ka ng ibebenta para maging consistent sa mga suki mo.
6. Tandaan mo na kasama sa layunin ng pagbukas mo ng negosyo ay ang palaguin ang iyong mga mamimili. Siguraduhin may maayos na lalagyan o malinis ang kapaligiran sa iyong pwesto upang maiwasan ang reklamo ng mga mamimili. Sa online naman ay siguruhing maayos at maipadala ang tamang order sa customer.

7. Upang lumago ang iyong negosyo, unti-unti mong damihan ang iyong paninda. Pumili ka ng ibang mga pwede mo pang itinda ng sa gayon ay lumaki ang iyong negosyo.
Higit sa lahat maging tapat at wag maging gahaman sa iyong negosyo. Mas pahahalagahan ka ng iyong mga suki kung ikaw ay tapat sa kanila at hindi pang-sariling interest lamang ang iyong habol.

Loading...