Loading...
Di maikakaila na ang Pilipinas ay may maraming likas na yaman, mga magagandang tanawin na sya namang dinadayu ng taga ibang bansa.
Isa sa kilalang destinasyon ng mga banyaga ang Boracay Island dahil sa taglay nitong puting buhangin, malinaw na tubig dagat at iba't iabng aktibidad na tyak kaaaliwan ng lahat ng bisita.
Ngunit, mayroon pa palang kakaibang isla na matatagpuan din sa Pilipinas sa Great Santa Cruz Island sa Zamboanga. Hindi ito kulay puti, kundi ang buhangin nito ay kulay pink na syang kakaiba sa ibang mga isla.
Sinasabi na ang naging dahilan ng pagkakaroon nito ng kulay pink na buhangin ay mga durog durog na pulang corals o kung tawagin ay organ pipe corals na humalo sa puting buhangin.
Dahil sa kakaibang kulay at ganda ng islang ito, itinampok ito sa isang International Magazine na National Geographic ukol sa paksang heograpiya, kasaysayan at kultura ng mundo.Dahil dito tinagurian nilang isa sa "21 Best Beaches in the World" ang isla.
Kabilang naman sa listahan ay ang Playa del Amor ng Mexico, na mayroong nagagandahang rock ring formation; ang Shell Beach ng Western Australia, na mayroon namang mga white cockleshells; at ang Reynisfjara Beach ng Island na mayroon itim na buhangin.
Loading...