Taiwan Health Minister Umiyak at Naging Emosyonal ng E announce ang ika 11th na Infected Patient.

Loading...
Maraming bansa na ang nagdeklara ng transportation lockdown galing sa bansang China para maiwasan ang paglaganap ng virus, tulad ng Pilipinas nag-iingat din ang bansang Taiwan na hindi makapasok ang coronavirus sa kanilang bansa.



Ang unang batch ng mga Taiwanese Businessman ay dumating na sa Taiwan na nanggaling sa Wuhan kung saan angmula ang nCoV. Tatlo sa mga businessman na ito ang nakitaan ng sintomas ng coronavirus. Dalawa sa kanila ay naging negatibo ayon sa test at ang isa ay nasa isolation dahil naging positibo ito.

Pagkatapos ng ilang araw ng masigasig na pagtatrabaho, ang Commander of the Central Epidemic Command Center and Health and Welfare Minister Chen Shih-chung , di mapigilang umiyak sa isang ginanap na press conference.

Sabi pa niya:

"Everyone is very frustrated when they hear it for the first time, but this is also important reason why we brought them back,"

Sabi ng minister, na ang decision na pabalikin ang mga Taiwanese Businessman sa kanilang bansa ay para maiwasan ang hindi magandang kapaligiran doon dahil sa epedimya.

Dagdag pa nya, gagawin nila ang lahat na matulungan  ang mga taong makabalik sa kanilang normal na pamumuhay.

Humingi naman ng Pasesnsya ang minister dahil hindi daw nya na control ang kanyang emosyon dahil sa pangyayari.

SOURCE: PINOY FORMOSA
Loading...