Naging Emosyonal ang Pamamaalam ng mga Volunteer Nurses at Doktor Patungong Wuhan.

Loading...
Marami ang naantig sa mga larawan ng volunteer nurses at doctors na namamaalam sa kanilang pamilya at mahal sa buhay bago tumungo sa bagong tayong hospital sa Wuhan kung saan nandoon ang lahat ng mga infected na pasyente ng novel coronavirus.


Naging emosyonal ang kanilang pamamaalam dahil sa isa itong malaking sakripisyo na walang kasiguraduhan ang kanilang kalusugan, parang mga sundalo na sasabak sa isang giyerang di alam ang kahahantungan.

Napag alaman na ang Wuhan ang syang epicenter o pinagmulan ng kinatatakutang virus na lumaganap na sa halos 4 na kontinente ng mundo.



Nakakaantig ng damdamin ang mga larawan lalo pa at walang kasiguraduhan ang kaligtasan nila. Tinawag itong "suicide mission" sapagkat maswerte na silang maituturing kung hindi sila tamaan ng nakamamatay na sakit.



Enero 24 nang mag-groundbreaking ang ospital sa Wuhan na inaasahang matatapos sa Pebrero 3. Ginawa nila ito upang pagsama-samahin ang mga pasyenteng tinamaan ng nakamamatay na respiratory virus na ito at di na namakahawa pa sa ibang pasyente.

Dalawa ang itinatayong ospital. Isa ay tatawaging Huoshenshan at ang isa Leishenshan hospital. Inaasahang nasa 2,300 na pasyente ang kaya nitong tanggapin. Nilampasan na ng coronavirus na ito ang bilang ng mga infected ng nakamamatay ding virus na SARS noong 2003.
Loading...