Kauna-unahang Valentines Ipinagdiwang ng Couple na Parehong Cancer Free.

Loading...
Mag-asawang parehong may kanser ay nagdiwang ng kauna-unahang valentines na magaling na sa sakit.

Noong taong 2014, nagkita sina Ricky Stafford at Alexis Gould sa kaparehong edad na 15, sa Intermountain Primary Children's Hospital sa Salt Lake City.



May sakit na High-Risk Neuroblastoma si Gould habang si Stafford naman ay nasurian ng Acute Lymphoblastic Leukemia.

Parehong nilabanan ng dalawa ang serye ng gamutan kung saan nagsimula silang maging malapit na kaibigan at hanggang sa nagkamabutihan.

Ayon sa MMV:

Nang makapanayam si Gould ng KUTV, ibinahagi niya ang napansing kakaiba sa mister nang balikan ang unang araw na nakita niya ito.

SEE ALSO:

“The nurse was like, ‘Oh, have you met Ricky?’ and I was like, ‘No, I don’t think so.’ I was expecting a little kid to come out, and Ricky walked out, and I was like, ‘Oh, he’s cute,'” aniya.

Kwento naman ni Stafford, “She was bald, but she was beautiful. She’s just beautiful and had a really nice spirit about her.”

Naging magkasintahan ang dalawa at taong 2018 nang mag-propose si Stafford sa kanyang nobya.

Gumaling mula sa iniindang sakit ni Gould habang si Stafford naman ay patuloy na nagpagaling sa New York.

Nakaraang taon nang ikasal ang dalawa sa kabila ng samu’t saring komento dahil sa sakit ni Stafford.

Marami raw ang nagtatanong kay Gould kung sakaling mawala ang asawa dahil sa malalang karamdaman nito.

“There were a lot of people that asked me, ‘What if he dies?’ I always said, ‘Well, what if he doesn’t?’ You always try to look at the positive and never really focus on the what-ifs,” saad niya.

“Life’s too short to wait. I mean, if you know that you’re supposed to be together, I don’t see the point in waiting,” dagdag pa niya.

At makalipas ang ilang taong paghihintay, nito lamang Enero, natapos ni Stafford ang huling bahagi ng kanyang chemotherapy at idineklarang cancer-free.

Para sa dalawa, hindi lamang Araw ng mga Puso ang kanilang ipinagdiwang ngunit mas higit ang kanilang buhay at ang pagkakaroon nila ng isa’t isa.

SOURCE: MMV
Loading...