Ilog sa Cebu City, Positibo sa P0lio Virus

Loading...
Kinumpirma  mismo ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) na ang mga samples na nakuha sa Butuan River ng Mandaue City sa Cebu ay naging positibo sa Polio Virus ayon Sa Department of health.



Nagbigay ng Pahayag ang DOH na sa ngayon sila ay nakikipag-ugnayan na sa World Health Oranization (WHO) para sa tamang vaccination na isasagawa sa Pilipinas, ito ay naging pahayag nila noong Pebrero 15,2020.

Tumulong din ang DOH sa iba pang mga siyudad gaya ng Mandaue at Cabanatuan upang mapaigting pa ang Acute Flaccid Paralysis surveillance capacities nila.

YOU MAY READ THIS:



Nagbigay ng pahayag si Health Sec. Francisco Duque III na dapat bigyang ito ng agarang pansin at solusyon dahil isa itong malaking banta sa mga bata at sa komunidad.

Ika-17 kaso ng polio sa Pilipinas ay nakumpirma naman dahil sa isang taong gulang na batang lalaki na naapektuhan ng nasabing virus sa  Cabanatuan City, Nueva Ecija .

Ang kampanya ng DOH na Sabayang Patak Kontra Poli0 (SPKP) ay nagpapatuloy naman sa buong National Capital Region (NCR) at sa buong lalawigan ng Mindanao.

Ano nga ba ang sakit na Polio:

Nakakahawang sakit ang polio, na karaniwang umaatake sa nervous system ng isang tao. Mas madalas na kabataan ang mga nakakakuha nito.

Nakukuha ang polio kapag nahahawakan ang dumi o feces ng taong mayroon nito.

"So yung virus mapapasa mo siya nang nakakain mo siya o tubig nainom mo siya tapos yung virus nagre-replicate siya sa bituka natin. So pag ang dumi na iyon ay napunta sa tubig so dun siya pumapasok," ani Abigail Rivera isang Pediatrician.

YOU MAY READ THIS:




Ilan sa mga sintomas ay lagnat, panghihina ng katawan, pagsusuka, paninigas ng leeg, pangangalay ng mga kamay at paa.

Kung lumala pa ito, maaaring magkaroon ng paralytic polio o maparalisa ang isang pasyente, na senyales na maaaring napunta na sa utak ang virus at maaari niya itong ikamatay.

Pero paalala ni Rivera, kahit pa man mas madalas tamaan ang mga bata ng polio, maaari pa rin itong makuha ng matatanda.

Para maiwasan ang polio, dapat magpabakuna laban dito. Binibigay ang bakuna kapag 6, 10, o 14 weeks old ang isang bata; may iilan na ibinibigay naman kapag 2, 4 , o 6 months old ang supling.

May dalawang klase ng vaccine: ang oral polio vaccine (OPV) na pinapatak sa bibig ng pasyente.

Mayroon ding inactive polio vaccine (IPV) na tinuturok.


Loading...