Chinese Scientist: Pangolin posibleng nagpasa ng nCoV mula sa Paniki Papunta sa mga Tao.

Loading...
YOU MAY CHECK THIS FIRST:





Posibleng ang endangered pangolin ang host ng novel coronavirus na kumalat sa China at sa iba pang bansa, ayon sa mga Chinese scientist nitong Biyernes. Ibinalita noong nakaraan na ang ahas at paniki ay isa rin sa posibleng pinagmulan ng naturang virus.



Lumabas sa pag-aaral ng mga researcher sa South China Agricultural University na ang scaly mammal ang “potential intermediate host” ng virus.

Una nang pinaniwalaan na ang bagong virus na umusbong sa isang live animal market sa Wuhan City noong nakaraang taon ay nagmula sa mga paniki.

Pero ayon sa mga researcher, mayroong “intermediate host” sa pagkakalipat nito sa mga tao.

Naniniwala ang mga health expert na nagmula sa mga paniki ang virus pero naipasa ito sa mga tao dahil sa pangolin.

Matapos kasi ang testing sa mahigit 1,000 samples mula sa wild animals, nadiskubre ng mga siyentipiko na ang genome sequences ng virus na nakita sa mga pangolin ay 99% kapareho sa mga coronavirus patient, ayon sa official Xinhua news agency.

Ang pangolin ang tinuturing na pinakatalamak na ini-smuggle sa iba’t ibang bansa.

Mahigit isang milyon nito ang ninanakaw mula sa mga kagubatan sa Asya at Africa sa mga nakalipas na dekada.

Kalimitang dinadala ito sa mga palengke sa China at Vietnam dahil ginagamit ang scales o kaliskis nito bilang traditional medicine habang binebenta naman sa black market ang karne nito.

SOURCE: BUSINESS INSIDER
Loading...