African Pastor,Kayang Buhayin Si Kobe at Anak nito Kapalit ng $50M bilang Tithes.

Loading...
May isang lugar kung saan duon tayo pumupunta upang manalangin at humingi ng tawad sa Maykapal, sa simbahan, dito tayo nagkakaroon ng panatag na pag-iisip at maluwag na damdamin.



Mga Pastor, Madre, Pari o kung anu paman ang tawag ng iba't-ibang relihiyon sa mga namumuno sa kanila, pero sa simbahan natin sila kadalasang nakikita.

Sila ang mga taong binibigyan natin ng mataas na respeto sa lipunan, dahil dala-dala nila ang utos ng ating panginoong Diyos.

Ngunit, di lingid sa ating kaalaman na sila ay tao rin, kaya minsan may mga nagawa din silang kasalanan. May mga Pastor na akala mo'y Diyos din ang turing sa kanilang sarili.

Si Pastor Nigel Gaisie na mula sa Ghana ay nagsabi na mayroon daw siyang kapangyarihan na buhayin muli ang namayapang legend basketball player na si Kobe Bryant at ang anak nitong si Gianna.

Ayon sa Standard Media, sinabi ng Pastor sa kanyang talumpati na pinagkalooban siya ng kapangyarihan ng Diyos.

Sabi nya:

“The Lord just took me into the spirit world, and I have seen a great man fall…This news will shake the entire world because of how great this man is. I see a lot of people on social media talking about the man for weeks to come and I see a lot of sad faces.

“America will mourn this great man. The Lord then instructed me to announce to the family of this man, the American embassy in Ghana and the entire world that He the Lord has not sanctioned the death of this man.”

Gayunpaman, sinabi ng kontrobersiyal na pastor na kaniya lamang bubuhayin si Kobe at ang anak nito kung ibibigay sa kaniya ang sampung porsyento ng net worth na mayroon ang NBA legend dahil ito umano ang inatas sa kaniya ng Panginoon.

Ani ng pastor,

 “Nigel, tell the family of this man and tell the entire world, should they agree to pay my tithes and offerings I will use you as a vessel to bring this man and his daughter back to life.”

Pagpapatuloy niya,

“The man is worth 500 million dollars and should the family agree to give 10% of his income to me, I will bring them back to life. Thus sayeth the Lord! Without the money, I cannot bring him and the little girl back.”

Pagkatapos daw ng ginanap nyang pagsamba ay hiniling nya sa mga tao na ipagdasal at pasalamatan ang Dioys dahil ginamit siya nito para sa mga himala. Binalaan pa nya ang kanyang mga kasama na manalig sa kanya at wag magduda o mag alinlangan sa mga sinabi ng Panginoon o sila ay haharap sa malalang problema.

SOURCE: PHILNEWS
Loading...