Wag Ipagsabay ang Noodles at Softdrinks Dahil Pwedeng Magkaroon ng Masamang Chemical Reaction sa Katawan.
Loading...
Kaya hinalintulad ng mga ilang health experts na ang apgkain ng noodles kasabay ng softdrinks ay hindi maganda sa katawan ng tao, dahil ang softdrinks ay nagtataglay ng matapang na kemikals gayundin ang mga noodles dahil sa mga preservatives nito.
Sa isang nagviral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, bigla na lamang syang dinala sa emergency room matapos syang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
Bigla daw sya nakaramdam ng pananakit ng tyan, balikat, beywang at likod. Sinubukang i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan, subalit hindi nila matukoy kung ano ang pinagmulan nito. Binigyan nila ng gamot pantanggal sa sakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy pa rin ang pagsakit nito.
Sumailalim sya sa isang abdominal xray ara matukoy ang pinagmulan ng kanyang abdominal pain. At base sa resulta, punong-puno ng gas ang loob ng tyan nya.
Binawasan ang gas na nasa loob ng kanyang tyan sa pamamagitan ng tube na ipinadaan nila sa kanyang tyan.
Ayon sa mga doktor, naging sanhi ng pananakit ng kanyang tyan ang pagkain ng noodles kasabay ang carbonated drinks. Dahil ito sa napakaraming carbon dioxide sa loob ng kanyang tyan kaya hindi ito nakayanan ng kanyang disgestive system. Naging malala pa ito dahil bigla syang natulog pagkatapos kumain kaya hindi sya natunawan ng oras ding yun.
Sa isang pagsusuri, nag eksperimento sila ng instant noodles na nakalagay sa isang ziplock bag at nilagyan nila ito ng carbonated drink. Matapos ang ilang oras ay nagkaroon ito ng hangin sa loob hanggang sa lumubo ang ziplock. Kaya marahil ito rin ang nangyari sa tyan ng lalaking ito.
Marami ang hindi maniniwala,kasi daw matagal na rin nila itong ginagawa ta hanggang ngayon ok pa naman sila. Ngunit hindi na sana aabot ang panahon na mangyari ito sa kanila at pagsisihan nila sa huli, ito ay isang paalala lamang na hindi imposibleng mangyari din sa iba. Kaya ng prevention is better than cure.
Loading...