Prutas na nakakatulong sa may Diabetes, Sakit sa Puso at Namamagang Joints.

Loading...
Sikat na pampaasim ng sabaw at iba pang mga putahe ang bunga ng sampalok.

Pero hindi lang sa pagluluto may pakinabang ang sampalok dahil mabisa rin itong panlaban sa ilang sakit dahil sa taglay na mga bitamina at mineral.



May taglay din umanong proanthocyanidins ang sampalok na pangontra sa hypertension.

"Ang pag-inom ng pinaglagaang bunga ng sampalok ay nakakatulong sa pag-refresh ng blood circulation," ani Algy Bacla ng Philippine Academy of Naturopathic Medicine (PANMED) .

Kung may problema sa atay, nakatutulong din daw ang nilagang bunga ng sampalok.

"Ang sampalok is mabisang panlinis ng liver o liver detoxifier,".

"Mayroon itong mga elements, nutrients that can effectively pull out heavy metal from the liver,".

Isa naman sa mga maaaring pangontra sa problema sa pagdumi ay ang pagkain ng hinog na sampalok dahil sa taglay nitong fiber, ani Bacla.

Mabisa rin ang sampalok sa mga skin condition gaya ng pangangati.

NARITO ANG MGA BENEPISYO NA HATID NG SAMPALOK:

1. Nakakatulong upang luminaw ang paningin

Ang sampalok ay naging kilala hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging isa iba pang mga bansa dahil sa mayamang taglay nito ng Vitamin A na siyang nakatutulong upang mas mapabuti ang inyong paningin. Sa kabilang banda, ito rin ay mayroong kakayahan upang mapigilan ang pagkakaroon ng macular degeneration.

2. Nakakatulong sa pamamaga ng kasukasuan at mga connective tissues

Ito ang madalas na problema ng karamihan sa mga taong mayroong ng edad sa panahon ngayon at dapat niyong malaman na maari pa itong makontrol at tuluyang maiwasan sa tulong at pamamagitan lamang ng sampalok. Ang bunga na ito ay nagtataglay ng anti-inflammatory properties na siyang may kakayahan upang makabawas sa pananakit at maging sa pagproprotekta sa mga connective tissues sa katawan. Idagdag mon a rin dito ang kanyang tinataglay na anti-bacterial properties na siyang may kakayahang dipensahan ang inyong katawan laban sa mga infections, bacteria at iba’t ibang klase pa ng mga sakit.

3. Nakatutulong upang mapababa ang blood sugar at maalis ang diabetes

Ang prutas ng sampalok ay naging kilala dahil sa kanyang kakayahan na makontrol ang inyong blood sugar levels. Ang kakailanganin mo lamang na gawin ay bumili ng tamarind paste sa mga kilala at malalapit na local health store at dapat mo itong ihalo sa mga halamang gamot na iyong kinokonsumo upang makagawa ng isang mabisang gamot o prevetion para sa diabetes. Ito ay lubhang mabisa at tiyak na nakatutulong lalo na sa mga tao na nahihirapan sa klase ng sakit na ito.

4. Nakatutulong sa paglalagas ng buhok at maging sa pagtubo nito

Ang klase ng prutas na ito ay lubhang napakaganda at napakabisa para sa mga taong nahihirapan sa kanilang kalagayan sa paglalagas ng kanilang buhok dahil nagtataglay ito ng iba’t ibang klase ng mga sustansiya na siyang nagbibigay ng mga benepisyo upang magkaroon kayo ng makakapal, magaganda at mahahabang mga buhok. Ang kakailanganin mo lamang gawin ay pakuluan ang bunga nito sa tubig hanggang sa ito ay tuluyan ng lumambot. Pagkatapos ay pigain mo ito upang makuha moa ng mga katas at ilagay mo ito sa iyong buhok sa iyong ulo. Hayaan mo muna ito sa iyong ulo pansamantala sa loob ng ilang oras bago mo ito tuluyang banlawan. Ulitin mo ang proseso na ito sa pang araw araw para sa magandang result na ninanais mo.

5. Ito ay nakabubuti para sa kalusugan ng puso

Dahil sa napakaraming nutrients na siyang tinataglay ng prutas na ito, madalas itong ginagamit sa Ayurveda medicine noong unang panahon pa lamang bilang isang klase ng remedy na siyang nakatutulong para sa mga problema na may kaugnayan sa puso ilang siglo na ang nagdaan. Ito ay kilala dahil sa taglay nitong Fiber na siyang may kakayahan upang mapanatili ang kalusugan ng inyong cardiovascular system at upang ma kontol na rin ang inyong cholesterol levels. Ang sampalok ay kilala rin dahil sa taglay nitong mga sustansiya kagaya na lamang ng potassium na siyang lubos na maganda at nakatutulong para sa kalusugan ng inyong cardiovascular.

Loading...