Kape, Milo,Gatas at Asin? Ano ang Paborito mong Pares Sa Kanin?

Loading...
Pag Pilipino ang pinag-uusapan di mawala ang kanin sa hapagkainan, parang di kumpleto ang agahan,tanghalian at hapunan kapag hindi kanin ang ating kinakain.


Kaya nga kahit anong hirap ng buhay kailangang may bigas palagi sa ating mga bahay, bahala na kung walang ulam basta may sinasaing lang tuwing kainan.

Ang sarap balikan ng mga buhay noon sa probinsya, na kahit ano ibubudbud lang sa kanin para magkaroon ng ulam. Milo, gatas, kape, asin, toyo at kung ano-ano pa.
Naranasan nyu rin kaya ito? Kaya isang post ng netizen ang naka agaw pansin sa social media.

Sarap na sarap ang maraming bata, maging matatanda, na isabaw ang kape sa kanin. May ilan na gustong may asukal ang kape, habang ang ilan ay nananatiling black coffee lamang. Para naman sa iba, mas malasa sa kanin kung hahaluan ng creamer. Level up naman ang pag-uulam ng iba dahil iyong mga 3-in-1 instant coffee mixes ang nais iulam sa kanin.

Kung para sa iba, hindi masustansya ang kape na iulam sa kanin lalo na sa mga bago, may healthier option naman diyan ang mga kabataan—ang Milo at powdered milk. Ginawa talaga ng food company na Nestle ang Milo bilang instant chocolate drink. Tinitimpla ito sa mainit o malamig na tubig at sinasabing nakapagbibigay ng enerhiya sa mga bata.

Pero sa mga kabataang Pinoy, hindi na kailangang itimpla ang Milo at kailangan na lamang itong ibudbod sa kanin at instant ulam na. Gustong-gusto ng mga nag-uulam ng Milo ang matamis at chocolaty nitong lasa na tiyak ay makapagbibigay sa kanila ng sapat na enerhiya para sa kanilang mga gawain.
Loading...