BABALA: Nakalalasong Alimango,Kumitil sa Buhay ng 2 Bata sa Neg. Occ.

Loading...
Binawian ng buhay ang magkapatid sa Hinobaan, Negros Occidental matapos umanong nalason sa kinaing "Kumong-kumong" o isa sa mga uri ng Alimango.



Sa isinagawang interview ng Aksyon Radyo Bacolod, pahayag ng Municipal Fisheries Program In-Charge Agriculturist II na si Jimmy Cambarijan, unang binawian ng buhay ng dumating sa hospital ng naturang syudad ang 6 na taong gulang na nakababatang kapatid at sumunod ang 8 taong gulang na kapatid nya.

Kasalukuyang ginagamot naman sa Hospital sa Bacolod City ang kanilang Ama na si Bernard Floro at Inang si Juvelet Magno, pati ang panganay na anak nito na babae na edad onse (11).

Ayon kay Cambarijan, Marso 16 ng nanghuli ang Ama nila sa baybayin ng ganung uri ng alimango at ito ay niluto naman noong Marso 17 bilang kanilang ulam sa agahan.

Dagdag pa ni Cambarijan na nakatanggap sila ng ulat ng hapon ng Marso 17, tungkol sa pagkalason ng Pamilya, kaya kanila itong tinulungan upang madala kaagad sa hospital.

Naniniwala si Cambarijan na nalason ang Pamilya dahil sa "Kumong-Kumong" na isa sa mga nakalalason na uri ng alimango sa Pilipinas.

Noong Agosto 2019 ay may kaso na rin ng Pagkalason sa Misamis Occidental.

Nag-abiso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga residente ng Misamis Occidental na iwasang kumain ng mga nahuhuling alimasag tuwing low tide dahil sa tumataas na insidente ng pagkalason mula dito.

Sa tala ng Provincial Health Office ng Misamis Occidental, umabot na sa 4 ang nalason simula pa ng nagdaang taon dahil sa pagkain ng alimasag na tinatawag nilang "kumong-kumong."

Dalawa ang namatay habang nakaligtas naman ang 2 iba pa matapos na madala agad sa ospital nitong Hulyo 19.

Ayon sa internist na si Dr. Kathleen Go-Echavez, ang sumuri sa huling 2 biktima na sila Genelmar Suson at Renald Sulampid, una nilang inakala na inaatake lang ang pasyente ng altapresyon dahil tumaas ang blood pressure at nakaramdam ng pamamanhid sa ilang parte ng katawan.

“Dahil sa toxin iba ‘yung presentation niya, numbness tapos weakness, tapos namaga ‘yung bibig niya. Medyo namaga ‘yung tongue niya parang allergic reaction but with the weakness pero buti na lang hindi siya nagrespiratory failure. According to the studies merong posibleng dalawang toxins saxitoxin and tetrodotoxin so ‘yong presentation is more on paralysis,” sabi ni Dr. Echavez.

SOURCE: AKSYON RADYO BACOLOD
Loading...