Larawan ni Marvin na Nakahiga kay Markki, Kumalat na. Totoo kaya ito o Fake?

Loading...
Ang bilis kumalat ng mga balita sa ngayon dahil na rin sa mga makabagong teknolohiya, kaya walang kawala kapag na e spottan ka ng kamera. Magugulat ka na lang paggising mo trending ka na.

Isang litrato ngayon ang trending kung saan makikita ang aktor na si Marvin Agustin na nakahiga katabi si Markki Stroem na magkasama sa kama.



Ito ay mabilis na kumalat sa social media at kasalukuyang inaalam pa ng ilang news source kung ito nga ba ay totoo o peke?

Ayon sa ulat ng bandera.inquirer.net:

Makikita sa larawan ang dalawang aktor — nakatihaya si Markki sa kama habang nakaunan sa dibdib niya si Marvin na tila mahimbing na natutulog.

Naisip namin, parang ganito rin ang ilang eksena ni Markki at ni Mike Liwag sa LGBTQ Anthology series na “Unlocked” na kasalukuyang number one ngayon sa GagaOOLala mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..
Sa pagkakaalam namin, hindi kasama si Marvin sa nasabing pelikula dahil hindi naman ito nabanggit ni Markki nu’ng huli namin siyang makausap tungkol sa “Unlocked.”




Anyway, ipinadala namin ang litrato kay Markki at tinanong kung eksena ba sa pelikula ang kuha nila ni Marvin dahil baka lagyan agad ng malisya ng mga netizens na makakakita nito.

Pero hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito ay hindi pa kami sinagot ng binata. Posible rin kasing edited ito para palabasing magkasama sila sa isang kama.


Anyway, may mga nabasa naman kaming komento tungkol sa espesyal na pagkakaibigan nina Markki at Marvin.

Nagkasama pala sila sa isang project ilang taon na ang nakararaan at mula noon ay naging close na nga sila. Maaaring ganu’n lang talaga sila ka-close kaya hanggang sa pagtulog ay magkasama sila nang wala namang malisya.

Kung matatandaan, natsismis na ang dalawa noon dahil sa kanilang closeness pero ipinagdiinan ni Markki sa isang panayam na, “He’s my friend, we do business together, so we’ve been working together for a while.”

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag nina Markki at Marvin. Agad naming ilalathala ang ilalabas nilang statement.



Loading...