Isang Ina, Dinala sa kanyang Sinapupunan ang Sariling "APO".

Loading...
Bilang isang Ina, gagawin ang lahat para lamang sa kasiyahan ng anak, minsan may mga pagkakataong kahit mali yung ginagawa ng kanilang anak ay nakukunsinte pa nila, dahil sa kanilang sobrang pagmamahal.



Ang kwento naman ng mag-inang ito ay kakaiba, kahit hinusgahan ang inang ito, ay ginawa niya parin ang isang bagay na magpapasaya sa kanyang anak.

Dahil nasa LG-BT relationship ang kaniyang anak, aminadong hindi ito magkakaroon ng pamilyang may sariling anak, at hindi rin maka ampon, ay may ginawa ang nanay niya bilang regalo sa kanyang anak, ang bigyan ito ng "apo".




Lalaki rin ang napangasawa ng anak kaya imposible ang dalawa sanang makabuo ng anak kaya naman naisip ng ina na "regaluhan" ang dalawa - Naging kontrobersyal ang prosesong ito lalo na pati ang kapatid ng LG-BT ay may kontribusyon din dito.

Naging usap-usapan ang pagbubuntis ng isang ina sa Nebraska, California dahil sa kakaibang proseso na kanyang ginawa bilang regalo sa kanyang anak.





Nakilala ang ina na si Cecile Eledge na sa edad na 59 ang naging surrogate mother ng anak niyang si Matthew Eledge may gay partner na si Elliott Dougherty. Ayon sa ABS-CBN, gumawa talaga ng ingay ang kwento na ito ng pamilya nilang sadyang naiiba sa pangkaraniwang sistema ng mag-anak.

Hindi kasi pinayagang mag-ampon sina Matthew at Elliot dahil sa lubhang konserbatibo ng kanilang komunidad.

SOURCE: SHOWBIZLINE


Loading...