PANUORIN: TikTok Video ni 'Marimar" Kinagiliwan ng Kanyang mga Fans.

Loading...
Yung mga ipinanganak ng 90's pababa ay talagang kilala si Thalia, isang sikat na Mexican Actress na ma-iinlab ka sa angking ganda, hanggang ngayon ay lalo pa itong gumaganda at halos hindi umiiba ang itsura.



Ang kanyang buong Pangalan  ay si Thalia Sodi Miranda na nakilala sa mga teleseryeng “Marimar”, “Rosalinda”, “Maria Mercedes” at “Maria la del Barrio.”

Ang sikat na Tiktok apps na kinaaliwan ng lahat ay kanya din palang kinahuhumalingan. Kinagiliwan kasi online ang ilan sa kanyang TikTok videos na mas ikinatuwa ng mga fans dahil sa kanyang ageless beauty.

Sa Facebook ng TeamHerbon Official, ipinost nito ang compilation TikTok video ni Thalia.



“THALIA (marimar) tiktok compilation 😍. Kaway kaway mga Batang 90’s. Super ganda pdn. 😘🔥 Ung last part talaga nagdala. Love nia pdn mga pin❤️y,” saad sa capption.

Mapapanood ang aktres na tila makulit sa kanyang mga video na sinamahan pa niya ng ilang mga dance moves.


Ayon sa ilang nag-comment, “Grabe vampire ata to walangpag babago lalong bumata. Ang tunay na maganda sa buong mundo 😍😍😍😍.”

“Beauty that doesnt goes old, i wonder how much blood she drank for the last 20 years…hahaha just kidding… she still looks like in her twenties,” biro naman ng isa.


Marami ang namangha dahil tila mas bumata raw si Thalia matapos ang ilang taon.

Loading...