Loading...
Halos buong mundo ay nagdeklara ng lockdown sa panahong ito dahil apektado sa mabilisang pagkalat ng coronavirus sa buong mundo.
Ngunit, lingid sa ating kaalaman ay marami paring lumalabag sa ipinapatupad ng ating pamahalaan, ang manatili sa bahay bilang pakikipaglaban sa virus.
Ibinalita nitong Marso 27, 2020 sa RMN na nasawi ang isang lalaki dahil inatake ng buwaya ng ito ay lumabag sa ipinatupad na lockdown para umano mangisda, habang dalawang iba pa ang pinatay naman ng pulis sa Rwanda, East Africa.
Ayon sa pahayag sa BBC ni Kamonyi district Mayor Alice Kayitesi, nangyari ang pag-atake ng hayop sa ilog sa Nyabarongo nitong Miyerkules, Marso 25.
“He had broken the stay-home rule, he’s among very few people here who are not cooperating with the lockdown to stop the [corona]virus,” anang mayor.
Nakapailalim sa dalawang linggong lockdown mula noong Marso 21 ang Rwanda na mayroon na ngayong 50 kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Sa ilalim ng patakaran, ipinasara ang maraming establisyimento, at ipinagbawal ang paglabas sa bahay kung hindi kinakailangan.
Kaugnay nito, dalawang binata ang binaril ng Rwanda police matapos sumuway sa lockdown.
Tinangka rin umano ng dalawa na makipagbuno sa mga awtoridad, ayon sa pahayag ni Rwanda National Police spokesperson John Bosco Kabera.
SOURCE: RMN
Loading...