Guro, Sinabunutan,Nilampaso at Binugb0g ng Estudyante .

Loading...
Isang Guro na nasa edad 23, ang ibinalitang binugbog ng kanyang estudyante sa Negros Occidental. Nangyari ang pambubugbog noong Pebrero 26,2020.

Desidido naman ang guro na mag file ng kaso laban sa  estudyanteng nasa 16 anyos ang edad, mismong sa loob ng Paaralan nangyari ito. Isa siyang English teacher sa naturang Paaralan.



Base sa sworn statement ng biktima, nagsimula daw ang lahat ng makatanggap siya ng "disturbing " chat message mula sa estudyante, isa sa mga mensahe ay nagsasabing "Hey Send Nude".

Dahil dito pinaalam ng biktima sa kanilang Teacher In Charge (TIC) ng Paaralan na Lola naman daw ng nasabing Estudyante.

Ayon sa Affidavit ng guro siya ay pinayagan ng TIC na personal na kausapin ang bata upang malaman kung bakit siya nagpapadala ng ganuong mga mensahe.

Kaya noong alas 3 ng hapon, nagkita ang bata at ang guro sa loob ng principal's office, silang dalawa lamang ayon sa advise ng TIC.

Kalmadong tinanong ng guro kung bakit sya nagpapadala ng mga ganuong mensahe, ngunit dineny daw ito ng bata. At tinanong din siya kung hindi daw ito hihingi ng tawad sa kanyang ginawa? ngunit pinagsalitaan daw sya ng di maganda ng bata.

Ayon naman sa iba, marami na rin daw ang nagrereklamo ng pananakit na ginagawa ng bata sa mga kapwa estudyante kaso natatakot lamang na magreklamo dahil sa kaanak nito ang TIC .

Kaya dito nagsalita ang bata na lahat na lang daw ay binibintang sa kanya, at duon nagsimula na syang suntukin ng bata at natamaan sa noo.Hindi pa nakuntento ang bata binugbog na daw siya nito sa mukha, hinablot ang kanyang buhok at linampaso sa sofa.

Dahil sa nangyari nirescue naman sya kaagad ng mga kasamahang guro kasama ang ina ng bata na isang guro din, ngunit ang masaklap ay mukhang nagalit pa daw ang Ina ng bata sa guro.

Di daw sila natatakot na kasuhan, haharapin daw nila ito, at irereklamo din daw ang guro.

Nagtamo naman ng injury ang biktima sa ulo at binigyan ng 3-5 days leave para makapahinga.

Hinihintay pa ngayon ang pahayag naman ng pamilya ng bata.


Loading...