Dahil Sa Utang Na P700, Bata Sinabuyan Ng Kumukulong Tubig Ng Pinagkaka-utangan.

Loading...
Ang pangungutang ay hindi talaga maiiwasan lalo na kapag kinapos ka at mayroong mga emergency na kaso sa isang tahanan, ngunit kahit na magkaibigan o magkapamilya man ay nasisira dahil sa utang.


Ang malala pa kapag humantong na ito sa sakitan at buwisan ng buhay kapag hindi nagkaintindihan.

Biglang naging sentro ng atensyon ang kwentong karanasan ni Marites Paz Caldo tungkol sa samaan ng loob ng kanyang kapitbahay dahil sa utang nito na nagkakahalaga ng 700 pesos.

Ibinahagi ni Marites ang mga larawan kung saan ang kaniyang anak ay may paso dulot ng mainit na tubig sa binti ng bata.

Pagbabahagi niya, nagulat na lamang daw siya ng malaman na binuhusan ng kaniyang pinagkakautangan ng 700 pesos ang kaniyang anak ng mainit na tubig dahilan para hindi nakadalo ang anak sa family fun day nito sa paaralan  at hindi na nakapag sayaw pa.


Dahil na rin ayaw din ni Marites na lalo pang lumalala ang issue at gulo sa pagitan nila ng pinagkakautangan, inisip na lamang daw niya na hindi sinasadya ng pinagkakautangan na sabuyan nito ng mainit na tubig ang kaniyang anak.

Saad ni Marites sa kaniyang socmed post:



Marami naman sa mga netizens ang nagalit at nainis sa pinagkakautangan ni Marites dahil sa pagsaboy ng mainit na tubig dito dahil lamang sa utang na 700 pesos na babayaran rin naman daw sana ni Marites. Sana lang daw ay naghintay na lamang ang pinagkakautangan na makapagbayad si Marites at hindi na umabot sa ganito.


Ibang mga netizen ang nagbigay ng pahayag na maaring kasuhan ni Marites ang gumawa nito sa kanyang anak dahil serious physical injury umano ang ginawa ng kaniyang pinagkakautangan sa bata.

May mga netizens din na nag-aalala sa kundisyon at kalagayan ng bata. Ilan naman sa kanila ay tinag sa comment section ang programa ng Raffy Tulfo in Action para magkaharap sila at mabigyan naman ng leksyon ang gumawa nito.

Loading...