Tilapia, Nakakalason nga ba?7 Miyembro ng Pamilya sa Cauayan City kabilang ang 5-anyos na kambal, nalason umano.

Loading...
Patuloy na nagpapagaling  sa pagamutan ang isang pamilya matapos umano silang ma-food poison  sa Barangay Sta. Luciana, Cauayan City, noong Enero 9, 2020.



YOU MAY READ THIS:



Ang mga biktima ay si Johnny Salgado, 45-anyos na magsasaka; misis na si Elizabeth Salgado, 41; kanilang anak na sina Christropher, 16; Daisy, 15; Jaypee, 12; limang taong gulang na kambal na anak na sina Angelo at Angela, pawang residente ng nasabing lugar.

Patay na raw ang mga isda nang mabili ng ginang.

Kuwento ng misis na si Elizabeth, magkakasabay silang naghahapunan na mag-anak at ang tanging ulam nila ay ang isdang tilapia na hindi na sariwa na kanilang kayang bilhin at kanyang iniluto.

Ayon pa sa misis, bagong luto naman ang kanilang kinain sa dinner ngunit may hinala siya na ang tilapia ang sanhi ng kanilang pananakit sa tiyan

Batay sa report ng Cauayan-PNP, nangyari ang insidente bandang alas-6:00 ng gabi sa hapag-kainan ng mga biktima.

Makalipas ang ilang minuto, bigla na lamang silang nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pananakit ng ulo na agad namang dinala sa pagamutan ng rescue 922 para malapatan ng lunas.

SOURCE: TNT ABANTE

Loading...