Misis Nagpalusot kay Mister hindi pinalampas ni Idol Raffy, “Kumain lang kami” “Na-hack ako” Matapos mag-S0G0!

Loading...
Sikat na sikat ngayon ang Programang Raffy Tulfo in Action, kasi naging karamay ito ng mga inaaapi at humhingi ng tulong at hustisya, isa itong parang shortcut upang matamo ang inaasam na tulong.



Ngunit bilang isang palabas kinakailangan din na marinig ang bawat panig ng nagrereklamo at nirereklamo para maiwasan ang puntong may kinikilingan. Kadalasan pa na humihingi ng tulong ay yung mga OFW nating kababayan.

Ibat-ibang problema ang binibigyang atensyon ng programang ito at isa sa kadalasang reklamo ng mga OFW ay ang pagkakaroon ng "Third Party" sa kanilang relasyon.

Kaya, kamakailan lang ay dumulog ang isang Mister na si Efraem  sa Programang ito upang humingi ng tulong dahil sa panlalaki di umano ng kanyang Misis na isang OFW.

Kwento ni Efraem, hindi na nagpakita pa sa kanila ang kaniyang misis mula nang ito ay umuwi ng Pinas. Dahil dito, nagtaka na si Efraem at doon niya nadiskubre na ang kaniyang misis pala ay mayroon ng ibang lalaki sa ibang bansa. Maging ang larawan ng kaniyang misis at ang lalaki nito ay pinapadala pa sa mga kasamahan niya sa trabaho.

Ngunit, sinabi ni Shiela na siya ay pinagtatawanan lamang ng mga tao sa kanila kaya’t pinili na lamang niyang huwag umuwi. Dagdag pa nito na plano na niyang umuwi sa kanilang tirahan ngunit dinala pa ng kaniyang mister ang kanilang problema sa Tulfo.

Sinabi din ni Shiela na hindi siya ang nagpapadala ng mga larawan sa mga kasamahan ni Efraem dahil na-hack ang kaniyang account.

Isa naman sa mga ebidensya na hawak ni Efraem ay ang larawan ng kaniyang misis kasama ang lalaki nito na tila nasa isang m0tel sila. Nang tanungin naman si Shiela tungkol dito, tinanggi niya ang alegasyon ng kaniyang asawa at sinabi na isang oras lamang sila ng lalaki sa m0tel at wala namang nangyari sa kanila. Ani pa nito na sila ay nag-usap at kumain lamang doon.

Inimbitahan naman ni Tulfo si Sheila sa studio nang sa gayon ay magkaharap silang mag-asawa at makapag-usap. Sinabi naman ni Shiela na kaya lamang sila nasa m0tel ng lalaki ay dahil kinausap siya nito sa problema ng kaniyang kapatid na nasa Qatar at nanghihingi ng tulong sa kaniya. Pagpapatuloy pa niya, kumain lamang sila ng lalaki ng grilled chicken at wala talagang nangyari sa kanila ng lalaki dahil kaagad din itong umalis at iniwan siya doon.

Tinawagan naman ni Idol Raffy si Atty. Paul Castillo para malaman kung ano ang kaso na maaaring isampa kay Sheila. Sinabi naman nito, na maaaring gamitin ang ebidensya ng larawan at pag-amin ni Shiela na siya at ang lalaki ay nasa m0tel para makapagsampa ng kasong adult3ry.

Dagdag pa ni Atty. Castillo, ang mga ebidensya ay kasama sa circumstantial evidence dahil hindi rin naman maaaring magkaroon ng larawan na magkapatong ang dalawa mismo.

Makikita naman sa kabilang studio na nagmamakaawa si Shiela at hinihiling kay Efraem na huwag na nito siyang ipakulong at patawarin na lamang siya dahil pinagsisihan na niya ang kaniyang nagawa.

Loading...