Chinese National na Bumagsak Sa Pasay, Hinihinalaang May nCoV,Pero Ayon sa mga Nakakita ito ay isang Aksidente Lamang.

Loading...
Isang video footage kuha nitong Jan.30,2020 ang nagviral kung saan makikita na ang isang Chinese national ay biglang bumagsak sa Pasay City, marami ang natakot at nanghinala na ito ay mayroong novel coronavirus.



Ngunit ito naman ay hindi sinang ayunan ayon sa report ng abante, ang nasabing chinese national ay nakikitang nag jojogging malapit sa Double Dragon Plaza sa Pasay City at aksidenteng nadulas kaya ito ay biglang bumagsak.

Iniutos naman ni Pasay Mayor Emi Calixto Rubiano na mag conduct ng imbestigasyon ang PCDRRMO tungkol sa nagkalat na video sa social media.


Base sa binigay na impormasyon ng mga Security Personnel ang nasabing Chinese ay nadulas pagkatapos tumakbo ng ito ay hinanapan ng (ID) Identification Card.

Kaagad naman nilang ni rescue ang Chinese na kinilala kay Qiang nasa 40-45 taong gulang, nakasuot ng maitin na longsleeves, jogging pants at rubber shoes. 

Kaya nanawagan si Mayor na iwasan ang pagkalat ng maling impormasyon sa publiko para hindi ma alarma ang mga tao. Si Qiang ay negatibo sa nCov at nadulas umano ng tumakbo ito.
Loading...