Loading...
Una siyang nakita ng publiko sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Teen Edition 1. Nakasama niya doon sina Kim Chui at Gerald Anderson at matapos mapalabas agad sa bahay ni “Kuya” ay itinuloy ni Niña ang kaniyang career bilang aktres. Ilan sa mga palabas na kaniyang ginawa ay ang Da Adventures of Pedro Penduko at My Girl.
Ngunit hindi alintana ang kanyang biglang paglaho sa showbiz industry, ang magandang si Nina o Mary Claire sa totoong buhay, ay mukhang masaya na ngayon sa buhay may asawa, kapiling niya ngayon ang mayor ng Bayambang Pangasinan na si Cezar Quiambao.
Sa ngayon ay nagfo-focus lamang siya sa pag-alaga ng kanilang 3 taong anak na si Antonio at sumusuporta sa kaniyang asawa na isang politician. Maliban sa pagiging housewife ,ay isa rin siyang chairperson ng Local Council of Women (LCW) sa kanilang bayan, kung saan iba’t ibang proyekto para sa kapakanan ng mga kababaihan ang kaniyang pinamamahalaan.
Hindi pala basta-bastang simpleng Mayor lang itong si Mayor Quiambao, dahil marami palang pag-aari na negosyo ito, kilala siyang mayaman sa Pampanga at isang CEO ng Stradcom Corporation, isa sa pinakamalaking IT Company sa Pilipinas.
“I think I can converse with them better and they’re more real kausap, more mature. The people…I don’t know ha…my age parang they are just play around. I don’t like yung mga ganun. I want someone real.”,pahayag ni Niña sa isang interview.
Ayon naman sa kay Ginoong Quiambao, hindi hadlang ang edad sa pagmamahal nilang mag-asawa at walang kahit na ano ang pwedeng maghiwalay sa kanila. Sa katunayan ay tatlong beses ikinasal ang dalawa. Ang una ay sa Amerika pangalawa ay sa Huwes at pangatlo ay sa simbahan ng St.Vincent’s Parish kung saan nakasama sa celebrasyon ang kanilang pamilya at mga kaibigan.
Sa ngayon ay walang balak umanong bumalik sa showbiz si Nina dahil hindi papayag ang kanyang asawa at mas uunahin muna niya ang kanilang anak.
Loading...